Pages

Tuesday, September 21, 2010

BEING IV-AQUINO...!

Shadow Word generated at Pimp-My-Profile.com

Sa simula ang section naming na IV-aquino na tahimik sabi nga ng karamihan sa aming mga teachers ay di nila akalaing magiging section nangunguna sa mga kalokohan. Yun bang section tinambakan ng mga taong mukhang normal pero abnormal pala.Ahaha.....Tara alamin natin kung bakit....

Bakit raw nung mga unang araw ng klase ay mukha kaming mababait at mga mahihiyain.At sa isang kisap mata lang, ay bigla nalang lumabas ang mga tinatagong kawalangyaan. Wat I mean is.…yung mga kakulitan, kaingayan, mga kabalbalan at kalokohan. Mga kalokohang tulad ng:

===> habang nakatalikod ang teacher sa gitna ng discussion ay may pumupuslit at gumagapang sa sahig na studyante para di mahalata na na-late ng dating.

===>Kapag nahuli at tinanung mo kung bakit late,, ang sagot ay ang walang kamatayang..”tinanghali po ng gising sir”. Yung iba naman, “traffic daw kahit malapit lang ang bahay. (may maidahilan lang ba.,)

===>Ang id ginagawang ruler.

===>Nakalimutang isuot ang ID.Yung iba nakatago at nakasiksiklang sa bag.Saka lang susuutin kapag sinita ng teacher.

===>Isusuot nga ang ID, nakatalikod naman! Ayaw ipakita ung mukha.at hinuhabad agad pagtunog ng bell, ibig sabihin uwian na.

===>Palitan at paglipat lipat ng upuan,kahit may nakatakdang seating arrangement.(ang kulitt)

===>Mahilig sa rush hour.Hindi gumagawa ng assignment sa bahay.Kaya ayun,habang hindi pa dumadating ang teacher, nagkukumahog sa paggawa ng assignment.

===>Nagkakaroon ng “Gupitan Session” sa loob ng classroom.dahil sa mahabang buhok ng mga lalake., mahabang palda ng babae at baston na pantaloon ng lalake.

===>At kapag tinanung mo kung ano ang favorite na subject,,, ang sabay sabay na sagut ay…. Walang iba kundi ang inaabangang “recess”

Isa pa sa nagpapasakit ng ulo ng teacher naming noon ay kapag oras ng klase, ay may nagkaklase rin sa kanya kanyang upuan.Hindi interesado sa subject kaya nakikipagdaldalan sa katabi. Yun bang may sarili silang topic.

Kaya bilang ganti ng mga teachers namin, ay nagkakaroon ng tinatawag na “surprice quiz” Kahit umangal o maglumpasay kapa,wala ka ng magagawa! At ayun, nagkakagulo na naman ang aquinians.Pressured sa pagrereview. Nakayuko Kunyari nagrereview.

Laking stress talaga sa aquinians ang periodical test at surprice quiz anu?. Kaya laging stress at taranta sa paghahanap ng katabi na makokopyahan.

At heto pa ang malala, Nagkakarun ng gyera ng dahil sa papel.! OO nga! Dahil sa papel! Ang aquinians nagkakagulo sa paghahanap ng mahihingiang papel! dahil nga mga walang dalang papel!!!

Hep! Di pa natatapuz dyan! Pag nagsimula na ang test, bigLA biglang may estudyanteng tatayo…(agaw atensyon ba),,para lang sabihin….."Mam may ballpen kayo?..Peram ballpen”

(Wala na ngang dalang papel, Wala pang dalang ballpen! Susmaryosep!)

Ganyan katindi ang aquinianz. May mga times na naiiniz na samin ang mga teachers namin, pero kadalasan ang inis na yun ay nauuwi sa tawanan.

I AM PROUD TO BE AQUINIANZ….!

ako?..Proud ako na naging aquinians aqo.

kasi Kami? Kami ung section na laging masaya at maingay kaya nga minsan nag wowalk out ung teacher namin ng di namin alam.Nagkakarun din ng labanan sa pagitan ng mga girls at boys. Nagkakarun ng matinding rivalry sa pagitan ng girls at boys pagdating sa mga debate at mga activities. Pero kung sino man ang matalo,, Ayos lang. Cute parin naman.Cute kami lahat!..Mga mababait,, may brains at kami lang ang section na may ganito..FRIENDSHIP..Cooperation. Kasi nga diba? Kami ang section na ginagaya ngunit di makaya!

Ang sarap isipin ng bagay na ganun, Minsan, kaming lahat nagsama sama sa isang eskwelahan. Napilitang makilala ang isat isa kasi apat na taon kaming nasa isang batch. Yung iba, naging barkada talaga, Yung iba nagkaroon ng ibat ibang buhay.

Tulad nga ng lagi kong sinasabi, hindi naman magiging masaya ang buhay high school ng ako lang mag isa.Dahil narin yun sa mga mahal kong kaibigan na nakasama ko noon.

Kelan ulit magkikita kita ang buong batch? After 5years for a reunion?..ten years? Or maybe after 20 long years. Ilan lang yan sa mga tanung ko nung graduation namin.and speacking of graduation,hindi maganda ang graduation ko. Naubus ata ang luha ko sa kakaiyak. Hindi kami nagkasundo ng aking mortal enemy. at hindi ko na makikita ang mga classmates at teachers ko. Pati ung matagal ko ng crush na hindi man lang ako napansin.sino sya??....zakin nalang yun nu!

3 at kalahating taon na ang nakalipas ng huli kamingmagkita kita.Year 2007 ng sabay sabay naming lisanin ang paaralan. Ang paaralang humubog hindi lamang ng aming isipan, kundi ng aming kabuuan,..humubog ng aming pagkatao.

3 kalahating taon narin ang nakalipas ng huli kaming nagkasama sama.Nakakatuwang isipin na sa tagal ng panahung nagdaan, hindi padin sila nakakalimut sa apat na taong pinagsamahan sa paaralan. Mga taong punung puno ng mga alaalang naging bahagi ng aming pagkatao. Apat na taon na sanay pwede kung balikan. Kung pwede, BAKIT HINDI???

kaya lang,, kung ako lang mag isa at di sila kasama,,, di nalang kasi di rin magiging masaya(-:

(Aquinianz para sa inyo 2.regards kay danzen. sensya na kung ginamit ko ung mga pictures nung swimming nyu.,..sana nagustuhan nyo 2.,miss ko na kau..)


No comments:

Post a Comment