
"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."
Ang talagang makakapagpasaya sa atin ay yung taong naging dahilan kung bakit tayo nalungkot.
"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."

"Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!"
"Mali ang ginawa mo. Kahit kaya mong gawin ang isang bagay, hindi nangangahulugan na dapat mo itong gawin."
"Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya."

"Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal."

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."
No comments:
Post a Comment