


WELL...ITO NA SYA NGAYUN










Ibat ibang lovestory na ata ang nabuo sa apat na haligi ng GEN T DELEON NATIONAL HIGH SCHOOL.
May mga mababaw lang at may iba na nagging simula ng malalim na samahan.
Ang mga kantyawan, lokohan,kahit ganu kababaw ay tumatak at talagang di malilimutan. Iba ang kilig nuun, pang high scool lang. Kung baga,kapag napag uusapan sa paglipas ng panahun ay siguradong mapapangiti ka gaanu man kamisirable ang mga naranasan mo nung mga panahung iyon.
At syempre, ang higit sa lahat na nakakamis ay ang mga kaibigan. Ang mga taong bumubuhay sa bawat ala alang yan.Sila na kasama mo sa pagtuklas ng lahat ng bagay.Mga taong nagging karamay mo sa puyatan, kopyahan, tsismisan,kantyawan,kilig,tampuhan,kahihiyan at mga kabaliwan.Wala talagang katulad ang mga nabuong samahan.Kapiling sa apat na taong HINDING HINDI MALILIMUTAN!
Siguro kaya nagiging Masaya ang pag gunita sa mga panahung iyon,e dahil alam ko, ginusto man namin o hindi . Naging parte kami ng buhay ng isat isa. Kasama silang lahat at ako sa mga buhay nila.Sa kwento ng buhay namin.
No comments:
Post a Comment